Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 31 March 2013
Source: Bombo Radyo
ZAMBOANGA CITY – Patay ang nagsisilbing security escort ng municipal mayor ng Basilan makaraang barilin ng hindi nakilalang suspek pasado alas-5:00 kahapon habang namimili ang biktima sa palengke sa may Barangay Port Area, Isabela City ng nasabing lalawigan.
Sa ulat ng Isabela City police station, nakilala ang biktima na si Masul Jamiri Islami, 32, residente ng Barangay Saluping sa munisipyo ng Tabuan-Lasa ng nasabing lalawigan.
Napag-alaman na si Jamiri ay matagal ng nasisilbing security escort ng municipal mayor ng Tabuan-Lasa na si Muctar Junaid.
Narekober ng mga rumespondeng pulis sa lugar ng insidente ang apat na basyo ng caliber .45 pistol.
Nakuha rin ng mga pulis ang isang caliber 9mm na may 14 mga bala na pagmamay-ari umano ng napatay na biktima.
Iniimbestigahan na ngayon ng otoridad kung may kinalaman sa kanyang trabaho bilang security escort ng pulitiko o personal na galit ang motibo sa pagpaslang sa biktima. (MRDS)