Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 30 September 2013
Source: Bombo Radyo
TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Dead on the spot ang isang retiradong sundalo matapos barilin sa harapan ng Bulanao Cathedral sa lungsod ng Tabuk,Kalinga kahapon.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay P/Supt. Reynaldo Pasiweng, chief of police ng PNP Tabuk, kinilala ang biktimang si Carlito Mercado, 55, may asawa at residente ng Purok 4 sa nasabing Lungsod.
Una rito, pinapalitan umano ng biktima ang gulong ng kaniyang sasakyan ng bigla na lamang siyang binaril ng dalawang lalaki na nakasuot ng bonete at nakawig.
Matapos ang insidente ay agad na umalis ang dalawang suspek sakay ng isang motorsiklo.
Nabatid naman na malapitan umano ang pagbaril sa kaniya ng dalawang suspek kung saan siya ay tinamaan sa leeg sanhi ng agaran nitong kamatayan.
Nakarekober ng PNP Kalinga ng isang basyo ng kaliobre .45 ng baril sa pinangyarihan ng insidente.