Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 31 March 2013
Source: Bombo Radyo
TACLOBAN CITY – Iniimbestigahan na ngayon ng pulisya ang lahat ng mga anggulo hinggil sa pagbaril-patay sa isang retiradong police ng Samar PNP.
Ayon kay Police Regional Office 8 (PRO-8), media relations officer Insp. Romuel Nacar, kompetisyon umano sa negosyo ang isa sa kanilang tinitingnang motibo sa pagpaslang kay dating S/Insp. Severino Solis, 60, residente ng Catbalogan, City.
Nag-utos na rin umano si PRO-8 director C/Supt. Elmer Soria sa lahat ng mga kapulisan sa Samar na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa nasabing insidente.
Nangyari umano ang pamamaril sa biktima nang pauwi na ito galing sa tennis court kung saan lumapit sa kaniya ang dalawang mga kalalakihan at siya’y binaril.