Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 29 June 2013
Source: Bombo Radyo
KORONADAL CITY – Wala nang buhay nang dalhin sa ospital ang isang retiradong pulis matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Bayan ng Isulan sa Lalawigan ng Sultan Kudarat.
Nakilala ang biktima na si retired Supt. Teofilo Kinazo kung saan minamaneho nito ang kanyang sasakyan sa national highway partikular sa Barangay Kenram, Isulan nang nilapitan ng riding-in-tandem at walang awang pinagbababaril.
Agad naman itong dinala sa bahay pagamutan ng mga pulis ng Lambayong PNP na napadaan sa nasabing lugar ngunit idineklarang dead on arrival.
Sa nagyon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya kung ano ang motibo ng pamamaril kay Kinazo.
Napag-alaman na si Kinazo na residente ng Isulan ay nagretiro sa PNP noong 2008.