Ret. Army colonel, patay sa pananaga sa Zamboanga City

Injured Killed
0 1

Date: 01 June 2013
Source: Bombo Radyo

ZAMBOANGA CITY- Tadtad ng taga sa ulo at sa iba’t ibang parte ng katawan nang makita ang bangkay ng isang retiradong colonel ng Philippine Army (PA) sa kanyang rest house sa may Barangay Lamisahan, Zamboanga City.
 
Kinilala ang biktima na si Fernando Camohoy Hugo, 59, residente ng Ever Green drive, Barangay Guiwan ng lungsod.
 
Sinasabing tinangay rin ng suspek ang baril at motorsiklo ng biktima.
 
Ayon sa anak ng biktima na siyang nakadiskubre sa bangkay ng kanyang ama, pumunta sa kanilang resthouse sa nasabing lugar ang kanyang ama kasama ang kanilang stay-in helper na kinilala lamang sa pangalang Dodong, 23, tubong Kabasalan Municipality sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay.
 
Itinuturing na prime suspeck ngayon ng mga otoridad ang sinasabing stay-in helper ng pamilya Camohoy dahil hindi na rin ito nagpakita matapos ang insidente.
 
Nakipag-ugnayan na ngayon ang kapulisan ng lungsod sa Zamboanga Sibugay PNP para sa agarang pag-aresto sa suspek.
 
Labis naman ang panghihinayang na nadarama ngayon ng pamilya Camohoy sa sinapit ng biktima.
 
Hindi umano nila akalain na sa ganitong paraan mawawala sa kanila ang biktima makalipas ang ilang taon nitong paninilbihan sa Philippine Army. (MRDS)
Read 36 times