Resthouse ng ex-solon ninakawan

Injured Killed
0 0

Date: 07 February 2013
Source: Phil Star Pang Masa

MANILA, Philippines – Pinasok at pinagnakawan ng isang kawatan ang resthouse ni dating Cong. Prospero Pichay at katabi nitong bahay kamakalawa sa Brgy. San Pedro, Cantilan, Surigao del Sur.

Sa ulat ng pulisya,  dakong alas-7:00 ng umaga nang madiskubre ang pagnanakaw sa resthouse ni Pichay at sa katabi nitong bahay na pag-aari ng isang Mr. Aurelio Calderon.

Naaresto ang suspek na si Bobby Banderas, 19, residente ng Brgy. Parang, Cantilan matapos ituro ng caretaker ni Pichay na sina Eusebio Guarte at Samuel Mali­ngin na siyang nakitang lumabas mula sa resthouse.

Nagawang makapasok ng suspek sa resthouse ni Pichay sa pamamagitan nang pagwasak ng padlock sa likurang bahagi  ng resthouse gayundin kay Calderon.