Resort sa Boracay nilooban; babaeng naka-check in tinangka gahasain

Injured Killed
1 0

Date: 08 February 2013
Source: Bombo Radyo

KALIBO, Aklan – Ninakawan ang isang resort at tinangay ang mga personal na kagamitan ng bisitang Spanish national sa Sitio Bulabog, Brgy. Balabag sa isla ng Boracay.

Ayon sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) nakuha sa biktimang si Jaime Borras, 45, taga-Spain at pansamantalang naninirahan sa Green Yard Kite Boarding School resort sa naturang lugar ang kanyang laptop, digital camera, mamahaling relo at passport.

Tinatayang nilooban ng mga magnanakaw ang resort dakong alas-3:00 ng madaling araw.

Nabuking ang pagnanakaw matapos magising ang naturang foreigner sa pagsisigaw at paghingi ng tulong ng isa pang bisita sa resort na nangungupahan sa kaharap na kwarto nito.

Ang biktima ay kinilalang si Riza Rabang, 38, nagbabakasyon sa isla.

Paniwala ng pulisya na matapos ang pagnanakaw, napansin umano ng suspek na bukas ang kwarto ng babae, kaya pumasok ito at hinubad ang pang ibabang damit ng babae at tinangkang gahasain.

Nakakuha naman ng pagkakataon ang biktima at nagawa niyang makagat ang daliri ng suspek, ngunit dali-dali itong tumakas.

Nadiskubre ng BTAC na walang security guards at CCTV camera ang naturang resort.

Hanggang sa ngayon hindi pa matukoy ng mga otoridad kong sino ang may kagagawan sa krimen.