Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 27 October 2013
Source: Pilipino Star Ngayon
BULACAN, Philippines — Sinamantala ng isang grupo ng mga armadong holdaper ang pagiging abala ng pulisya sa nalalapit na Brgy. elections matapos holdapin ang isang remittance center sa Brgy. Poblacion, Pulilan, Bulacan kahapon ng umaga.
Hindi na nakapalag pa ang nagi-isang empleyado ng Luzon Brokerage Corp. (LBC) ng pasukin ito ng hindi nakilalang mga armadong holdaper sa kanilang sangay sa Calumpit-Pulilan National Road sa Brgy. Poblacion sa naturang bayan. Base sa imbestigasyon ni PO1 Almario Santos dakong alas-10:56 ng umaga ng biglang pasukin ng mga suspek na nagpanggap na kustomer ang remittance center saka nagdeklara ng holdap.
Nagawa namang matangay ng mga suspek ang P45,000 pera ng kumpanya at iba pang mahahalagang kagamitan ng mga empleyado tulad ng cell phone saka mabilis na tumakas sa lugar. Patuloy ang imbestigasyon sa kaso.