Injured | Killed |
---|---|
0 | 2 |
Date: 05 December 2013
Source: Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines – Patay ang isang radio reporter matapos pagbabarilin ng ka-live-in nitong port police saka nag-suicide dahil sa matinding selos noong Martes ng gabi sa Barangay Bugo, Cagayan de Oro City, Misamis Oriental.
Sa phone interview, kinilala ni P/Senior Supt. Graciano Mijares, Cagayan de Oro City PNP director, kinilala ang napaslang na si Maricel Pamisa, 32, reporter sa dxRU Radyo Ultra habang namatay din si Clemente Rosales Jr., 61, na nagbaril sa ulo matapos mapatay ang ka-live-in.
Si Pamisa ay nagtamo ng anim na tama ng bala ng cal. 45 pistol partikular na sa likod na naglagos sa kaniyang dibdib.
Naganap ang insidente sa bahay ng magka-live-in sa Zone 6, Old Water District dakong alas-9:30 ng gabi.
Napag-alamang nagtalo ang dalawa dahil sa matinding selos ng lalaki sa kanyang ka-live-in na may kalaguyong lalaki.
Ikinatwiran naman ng babae base sa narinig ng mga kapitbahay na kailangan sa kaniyang trabaho ang magpaganda at wala siyang kalaguyo.
Ilang minuto ang nakalipas ay umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril na tumapos sa buhay ng babae kung saan nagbaril naman sa ulo ang lalaki.
Narekober sa crime scene ang pitong basyo ng bala ng cal.45 pistol, limang cartridge at 9 pang live ammunition ng nasabing armas.