Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 08 December 2013
Source: Dzmm
Hindi na nakaabot nang buhay sa ospital ang isang mamamahayag matapos pagbabarilin, Biyernes ng hapon sa Purok Palmera, Barangay Mabua, Tandag City sa Surigao del Sur.
Kinilala ang biktima na si Michael Milo, national supervisor ng Prime Radio FM at managing editor ng Prime Balita Newspaper sa Tandag City.
Ayon kay Surigao Del Sur Provincial Police Officer In Charge Supt. Romeo Ramos, nakasakay sa motorsiklo ang biktima nang sundan ito ng isang motorsiklo na may tatlong sakay.
At bigla na lamang pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilang suspek si Milo.
Tumama ang bala sa may likod na bahagi ng kaliwang tenga ni Milo.
Bago pa man nangyari ang pagpaslang sa biktim, nakatanggap na umano ito ng mga death threat si Milo pero binabalewala lang niya ito.
Ayon sa officer-in-charge ng FM station na si Roberto Sales, naka usap pa nyia sa kanyang opisina si Milo at wala siyang nakita pangamba sa mukha nito ay nag-duty pa sa radio station sa kanyang programa.
Dalawang anggulo ang tinutukan ngayon ng pulisya kabilang ang problema sa kanyang pamilya at posibleng may kinalaman sa kanyang trabaho.
Bumuo na ng special investigation Task Group Milo na siyang tututok sa kaso.
Tumangging magbigay ng anumang pahayag ang pamilya sa biktima hangga’t may resulta na ang imbestigasyon. Report from Richmond Hinayon, ABS-CBN News