Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 17 April 2013
Source: Bombo Radyo
ZAMBOANGA CITY – Patuloy ang isinasagawang hot pursuit operation ngayon ng kapulisan kasama ang tropa ng militar laban sa armadong grupo na responsable sa nangyaring strafing sa mga magsasaka noong nakaraang araw sa may Sitio Codogon, Barangay Lawigan, Labason sa lalawigan ng Zamboanga del Norte.
Batay sa report ng Labason municipal police station, binaril ng mahigit kumulang 10 armadong kalalakihan gamit ang mga M16 armalite rifle at caliber .45 pistol ang mga magsasaka habang nag-harvest ang mga ito ng niyog sa lugar.
Maliban dito, pinasabugan din ng mga suspek ng rifle grenade ang lugar.
Napag-alaman ng mga otoridad na ang armadong grupo ay pinangungunahan ng isang Omar Arasi kasama, dalawang anak nitong lalaki na kinilalang sina Gemar Arasi at si Ashmad Arasi kasama ang iba pa nilang mga kasamahan.
Masuwerte namang walang tinamaan sa mga magsasaka dahil nakatakbo ang mga ito at nakapagtago.
Sa pagresponde ng PNP at militar sa lugar ng insidente, narekober ang nagkalat na mga basyo ng bala ng mga nasabing baril at ang sumabog na rifle grenade.
Nagbigay naman ng seguridad ang otoridad sa mga residente sa lugar na karaniwan ay mga magsasaka sa lugar para mapigilang mabiktima muli ng mga suspek. (MRDS)