Injured | Killed |
---|---|
1 | 0 |
Date: 31 March 2013
Source: Pilipino Star Ngayon
Wala ang pamilya nina Aga at Charlene Muhlach nang magkaroon ng pagsabog sa pag-aari nilang speedboat kahapon.
Ayon sa text message ni Atty. Michelle Juan, ang abogado ni Aga: “At around 6:00 a.m. this morning, an explosion occurred on Aga’s speedboat while in Caramoan, Camarines Sur. Aga and his family were not on board at that time. Pilot (Jerome Pervera) sustained injuries on his leg, arm, back, and face, but expected to be released tomorrow from the Caramoan emergency hospital.
“Initial reports are that the engine and gas tanks ignited and then exploded. Causes still being investigated. Aga and Charlene have been secured in an undisclosed location in the province but are closely monitoring the situation. They are relieved that no one was seriously injured, and are grateful for the outpouring of concern for their safety and security.”
Kandidatong congressman sa nasabing probinsiya ang aktor at doon na sila nakatirang mag-anak. Si Charlene ay tuwing Sabado na lang umuuwi ng Maynila dahil sa programa niyang The Buzz.
Posible kayang may kinalaman sa pulitika ang pagsabog na ito ng speedboat ni Aga?
Balitang-balitang mainit ang pulitika sa tatakbuhan niyang probinsiya.
Bukod sa speedboat meron na ring sariling helicopter na ginagamit sa kampanya.
Heart ibinuhos ang mga pinagdadaanan sa pagpipinta
Sa pagpi-paint ibinuhos ni Heart Evangelista ang mga pinagdadaanan niya at ng karelasyong si Sen. Chiz Escudero noong nakaraang linggo.
Noong Maundy Thursday and Good Friday, panay ang updload niya ng kanyang mga ipininta na ang subject ay mga babae.
At daming fans niya ang nanghihingi ng mga ginawa niya.
May talent sa pagpipinta ang aktres kung pagbabasehan ang mga gawa niya at hindi malayong magkaroon siya ng exhibit kung seseryosohin niya ang pagpipinta.
Bukod sa pagpi-paint, nagdagsaan din ang mga nagbibigay ng fashion accessories na online sellers sa kanya base sa mga posted photo sa kanyang Instagram (IG) account.
Sinabi na naman ni Heart na hindi siya umuuwi sa condo niya at nahihirapan siya kaya wala siyang gamit. Kaya siguro mas marami na nagbigay sa kanya. Kahit mga damit, may mga nagpapadala na rin sa kanya.
Dati nang may online sellers na nagbibigay sa kanya para ma-promote sa kanyang IG account.
’Yun actually ang uso ngayon, ’yung IG sellers na nagpapadala ng kanilang mga ibinebenta sa mga artista para mai-promote sila sa kanilang IG accounts.
Parang effective naman ang strategy ng IG sellers dahil hindi lang si Heart ang nakakatanggap ng mga libreng item sa kanila. Maraming artista na ipino-promote nga ang mga nagbebenta sa online.
Going back to Heart, pagkatapos niyang magsalita sa H.O.T. TV last Sunday parang natahimik na ang kanyang mga magulang.
Lumabas na hindi totoo ang mga sinasabi ng kanyang mga magulang tungkol sa kanila ng karelasyon.
Nagkasundo na kaya sila noong panahon ng Semana Santa o pinalipas lang nila ang mga banal na araw at magkakaroon pa ng Part 2?
Santo Pedro Calungsod ipinakikilala nang husto para tularan ng mga kabataan
Kahit Mahal Na Araw, marami na ring mga commercial ang mga palabas na mga pelikula sa TV. Kung noon parang iilan, ngayon madalas na.
Hindi na rin mga super luma ang ipinalalabas na pelikula sa local channels. Samantalang dati, kundi lumang-luma ay totally wala kang mapapanood.
Pero isa sa maganda kong napanood ang tungkol kay Santo Pedro Calungsod hosted by Korina Sanchez na umere sa ABS-CBN. Bagama’t marami nang palabas na tumalakay sa buhay ng batang Pinoy na Santo, mas malalim ang ginawa nilang presentation.
Ipinakilala nang husto ang katekistang bagets na nagbuwis ng buhay para sa kanyang pananampalataya.
Meron silang kinausap na historians at maraming backgrounders pero ang bottomline ng lahat ay sana ay tularan ang kanyang pananampalataya sa Diyos.
Napapanahon ang nasabing palabas lalo na nga’t marami na ngayong kabataan ang hindi na gaanong nananampalataya dahil nga sa makabagong teknolohiya.
Ang mga bagets ngayon kahit simpleng pagma-mano ay iilan na ang nakikita kong gumagawa. Pagki-kiss na lang ang ginagawa nila. Hindi na rin sila gaanong gumagamit ng ‘opo’ at ‘po.’ At makikita mo ang mga bagets kahit nasa loob ng simbahan ay gumagamit ng iPad o cell phone. Kung hindi cell phone, camera para sa kanilang mga account sa social networks.
Idalangin natin na makatulong si Santo Pedro sa mga kabataan na maging malakas ang pananampalataya sa Panginoon.
Happy Easter everyone!
Isabelle mas nadaliang gumawa ng pelikula sa serye
Mas nadadalian na ngayon si Isabelle Daza na gumawa ng pelikula kesa teleserye matapos niyang makasama sa pinipilahang pelikulang It Takes a Man and a Woman.
Hindi sila inaabot ng hanggang umaga sa shooting at wala siyang pressure na nararamdaman lalo na nga at nang sumabak siya sa shooting, hindi niya kailangan ng workshop.
Ayon kay Isabelle, ang pagiging ‘raw’ niya ang kailangan ni Direk Cathy Garcia-Molina sa pelikula na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo.
Kaya naman na-enjoy niya ang shooting na ikinagulat niya noong malaman niya na makakasama siya sa movie ng dalawa na aminado siyang fan siya ng mga naunang pelikula – A Very Special Love and You Changed My Life – na pareho niyang napanood.
Sakto sa role na girlfriend ni John Lloyd si Isabelle. Bagay na bagay sa kanya.
Anyway, sa Bali, Indonesia siya nagpalipas ng Kuwaresma kasama ang buong pamilya.
Sales and marketing manager ng Adidas sa bansa ang boyfriend ni Isabelle.
Manager nina Lovi at Ogie idinenay ang balitang bibigyan ng executive position sa singko kaya ililipat ang mga alaga
Idinenay ng talent manager na si Leo Dominguez na bibigyan siya ng executive position kaya niya ililipat ang mga alaga niyang sina Lovi Poe at Ogie Alcasid sa TV5.
“Grabe naman ’yun! Hindi ’yun totoo. Maganda lang talaga ang offer,” sabi niya.
Pero hanggang doon lang ang sinabi niya at nag-uusap sila ng GMA 7 dahil may magandang solution na inilatag sa kanila. Pero wala pa siyang kinukumpirma sa mga mangyayari.
Basta ang sinasabi niya malapit nang maayos ang lahat.
‘May sense na ang pinag-uusapan nina John Lloyd at Sarah’ – Direk Cathy
Pinilihan agad sa first screening ang It Takes a Man and a Woman nang ipalabas ito sa mga sinehan kahapon.
Tanghali pa lang ay kumalat na sa Twitter na pila-pila ang mga tao na dumagsa sa sinehan.
Kung sabagay, ibang level nga ang pelikula nina Sarah at John Lloyd.
Ayon nga kay Direk Cathy, ang Part 3 ng love story nina Laida (Sarah) at Miggy (John Lloyd) ay ‘level up’ version ng first two installments ng series.
“Iba na ‘yung level ng kilig ng part three. It’s not about the same girl who’s giggling over her crush. Sa part three, we’ve taken it a notch higher na hindi lang basta kilig,” aniya.
“Dito, natuto na sila Laida and Miggy kung paano magmahal. Kaya ‘yung kilig dito, hindi na nanggagaling sa pa-cute. Mas kikiligin ka kasi alam mong mahal na nila ‘yung isa’t isa in the true sense of love. Bagay na bagay ‘yung theme song sa kuwento ng part three kasi from a girl and a boy, Laida and Miggy have transformed into a man and a woman.”
Dagdag pa ng box-office director, bukod kina Laida at Miggy, maging ang mga bidang sina Sarah at John Lloyd ay nag-level up na rin bilang mga indibidwal.
“Dati kulitan lang nang kulitan at talagang medyo petty ang mga pinagkikuwentuhan nila, anything that would make them laugh,” pahayag niya.
“Ngayon, meron ng sense ang pinag-uusapan na nila — may about love, how to love a person, how to keep a relationship.”
Sa ilalim ng produksiyon ng Star Cinema at Viva Films, tampok rin sa pelikula sina Joross Gamboa, Gio Alvarez, Matet de Leon, Al Tantay, Irma Adlawan, Guji Lorenzana, Rowell Santiago, at Dante Rivero.