Pulisya may lead na sa rape-slay sa 24-anyos na dalaga sa Iloilo

Injured Killed
1 0

Date: 29 September 2013
Source: Bombo Radyo

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Naging mitsa ng pagkapariwara ng isang 20 anyos na dalagang estudyante ang pagpapaunlak nito na makipag-inuman matapos gahasain sa loob ng isang boarding house sa Brgy. Caggay ng lungsod kamakalawa.

Halos hindi makagulapay sa pananakit ng buong katawan ng dumulog sa pulisya ang biktimang iti­nago sa pangalang Suzette.

Ayon kay Police Regio­nal Office (PRO) 2 Spokesman  Supt Fernando Cristobal, sinampahan na ng kasong rape ang suspek na si Christian Baguek, tubong  Kabugao, Apayao.

Sa imbestigasyon, nabatid na inanyayahan lamang ng kapwa babaeng kaibigang estudyante ang biktima sa boarding house ng isang Jed Bossing upang makipag-inuman kasama ang suspek.

Matapos ang ilang tagay ay nahilo ang biktima at nagtungo sa comfort room pero sinundan ito ng suspek.

Ayon sa biktima, wala siyang nagawa matapos halayin ng suspek sa loob mismo ng comfort room.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Samantalang, ilang oras matapos ang insidente ay agad namang nagsuplong sa pulisya ang biktima

Sinasabing sinundan ng suspect ang biktima sa comfort room kung saan ay doon nito ginawa ang kahalayan habang nahihilo ang dalaga. 
Ang kaso laban sa suspek ay isinampa sa Provincial Prosecutors Office sa lungsod na ito.