Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 26 January 2013
Source: Bombo radyo; january 26, 2013
Panibagong pulis ang nahuling lumabag sa ipinapatupad na gun ban ng Commission on Elections (Comelec) para sa nalalapit na 2013 midterm elections.
Ayon sa report, nagpakarga ng gasolina sa kaniyang motorsiklo si SPO2 Rechen Apolinario Mirando, 43, na nakatalaga sa Valenzuela Police Station ngunit diesel umano ang naikarga ng gasoline boy sa Rizal Ave., Tondo, Maynila na agad naman nitong kinuwelyuhan at tinutukan ng kaniyang kalibre .45 na baril.
Kaugnay nito, nagkataon naman na dumaan ang patrol car ng nagrorondang pulis kaya’t nahuli ang suspek.
Agad namang inilagay si Mirando sa general assignment section sa Maynila habang inihahanda na rin ang kasong pagbag sa Omnibus Election Code laban sa nasabing pulis.