Injured | Killed |
---|---|
1 | 0 |
Date: 13 April 2013
Source: Bombo Radyo
NAGA CITY – Huli ang dalawang lalaki sa Camarines Sur na miyembro ng ‘riding-in-tandem’ matapos makipagbarilan sa mga pulis.
Kinilala ang mga suspek na sina Jose De Castro at Lodovico Marmol, parehong residente ng bayan ng Del Gallego.
Batay sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Naga, napigilan ng PNP Del Gallego ang dalawang pinaniniwalaang aatake sa lugar.
Nakaharang umano sa daan ang motorsiklo ng mga ito at nagkataong nagpapatrolya ang grupo ng mga pulis.
Nang sitahin, nakipagbarilan ang dalawa at dito tinamaan si PO2 Eduardo Lualhati.
Sugatan din sa pagbaril ng mga pulis ang isa sa mga suspek na si Marmol na nakatakas pa matapos magtago sa niyugan.
Agad nahuli si De Castro subalit sa isinagawang follow-up operation, nahuli din si Marmol na tinukoy ng kanyang kasama.
Nagpapagaling pa sa ospital si Lualhati maging ang isa sa mga suspek.
Ikinatuwa naman ng PNP Camarines Sur ang nangyari na nagpapatunay umano na epektibo ang police visibility sa lugar.