Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 24 January 2013
Source: Bombo radyo; Last Updated on Wednesday, 23 January 2013 23:53 Wednesday, 23 January 2013 23:52
ZAMBOANGA CITY – Kaagad binawian ng buhay ang isang miyembro ng PNP makaraang barilin bandang alas-3:00 ng hapon kanina ilang metro din lamang ang layo mula sa kanyang bahay sa Barangay Sta. Maria sa Zamboanga City.
Tadtad ng bala ng M-16 armalite rifle ang katawan ng biktimang si PO3 Abdulhan Nassar, miyembro ng Intelligence Group ng 9th Regional Maritime Unit ng PNP.
Batay sa inisyal na report ng pulisya, sakay ng kanyang motorsiklo ang napatay na pulis pauwi sa kanilang bahay nang sundan umano ng dalawang lalaki na naka-military uniform na nakasakay rin sa isang motorsiklo at pagdating sa lugar ay bigla na lamang pagbabarilin ang biktima.
Narekober ng mga rumespondeng pulis ang maraming basyo ng bala ng M-16 rifle na nakakalat sa lugar.
Sa ngayon, blangko pa rin ang otoridad kung sino ang mga responsable sa pagpaslang sa biktima at ang posibleng motibo sa krimen.
Kaagad namang kinuha ng pamilya at kaanak ang cadaver ng biktima para kaagad mailibing base na rin sa tradisyon ng Islam.