Injured | Killed |
---|---|
1 | 1 |
Date: 03 October 2013
Source: Bombo Radyo
BACOLOD CITY – Patay ang isang pulis habang sugatan naman ang misis nito matapos silang tambangan sa lungsod ng Dumaguete, Negros Occidental.
Dead on the spot si PO1 Jay Carpentero, 33, dahil sa anim na tama ng bala ng 9mm, samantalang nakaligtas naman ang misis nito na patuloy na ginagamot sa isang ospital.
Napag-alaman mula kay SPO1 Espidito Tuban ng Dumaguete City PNP, sinundo umano ng kaniyang misis si PO1 Carpentero nang mag-off ito sa trabaho dakong-alas 6:00 kagabi.
Umuwi ang mga ito sakay sa isang motorsiklo ngunit habang bumabiyahe papauwi sa kanilang tahanan sa nasabing lungsod ay dalawang salarin ang biglang nagpaulan ng bala sa kanila dakong alas-6:45 ng gabi.
Matapos binaril ay kinuha pa ng mga suspek ang service firearms ng pulis na M16 armalite rifle.
Nagtatag na ng task force ang pulisya upang matutukan ang imbestigasyon sa naturang insidente at upang matukoy ang motibo at mga suspek.