Pulis, patay matapos rumesponde sa nag-aamok na may sakit sa isip

Injured Killed
0 1

Date: 23 February 2013
Source: Bombo radyo feb 22, 2013

Pulis, patay matapos rumesponde sa nag-aamok na may sakit sa isip

ShareThis

NAGA CITY – Labis-labis ang pagdadalamhati ngayon ng asawa at apat na anak ng isang pulis na napatay matapos rumesponde sa pag-aamok ng isang lalaking may problema sa pag-iisip sa Catanuan, Quezon Province.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay SPO3 Isagani Gonzales, kinilala nito ang biktima na si PO2 Froilan Organo, 29.

Humingi umano ng tulong sa kanilang himpilan ang pamilya ng suspek na si Mayolo Restor dahil sa pag-aamok nito at agad namang rumesponde ang PNP-Catanuan kabilang na si Organo.

Subalit habang pinagpaplanuhan kung papano papakalmahin ang suspek ay bigla na lamang umanong hinabol ni Restor ang biktima.

Nadulas umano si Organo at naabutan ng suspek na armado ng kabra na siyang ginawang pamalo sa biktima.

Bagamat nagtamo ng seryosong pinsala sa ulo at panga, nagawa pang bunutin ni Organo ang kaniyang service firearm at ipinutok sa dibdib ng suspek na siya naman nitong ikinamatay.

Nadala pa sana sa ospital ang naturang pulis subalit hindi na rin nailigtas.