Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 29 September 2013
Source: Bombo Radyo
GENERAL SANTOS CITY – Nahaharap sa kasong extortion si P02 George Jabat ng Lagao PNP matapos inireklamo na tumanggap umano ng salapi mula sa ina ng isa sa mga naaresto sa isinagawang buy bust operation.
Base sa report, nagreklamo ang isang “Mercy” sa pulisya na nakipagnegosasyon umano sa sa telepono si P/Insp Rafael Banggay at si P01 Alberto Alberto para hindi mabilanggo ang kanyang anak.
Sa panayam ng Bombo Radyo GenSan kay city PNP chief S/Supt Froilan Quidilla, na hiniling daw ni “Mercy” na tawaran ang hinihingi at P50,000 lamang ang ibinigay kung saan tinanggap naman umano ni Jabat.
Bigong maaresto si Jabat dahil mabilis na tumakbo nang mapag-alaman na may ibang unit ng PNP na pumunta sa kanilang presinto sa isinagawang entrapment operation.
Sa ngayon isinasailalim na sa imbestigasyon sina Banggay at Alberto dahil sa kaugnayan sa naturang kaso.
Una rito, mismong ang chief of police ng Lagao PNP na si S/Insp Benito Rotia ang nagpaliwanag na wala raw alam sa isinagawang entrapment operation sa loob ng kanyang presinto.
Napag-alaman na sa buy bust operation unang naaresto si Jim Diola kung saan sinabihan umano ng mga pulis na hindi kakasuhan kung ituturo ang mga kasamahan at magbibigay ng P100,000.
Ang kasong administratibo at kriminal ay inihahanda na laban kay Jabat at mga kasamahan nito.