Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 02 February 2013
Source: Bombo Radyo
DAVAO CITY – Patay ang isang pulis matapos naglaban sa isinagawang buy bust operation ng mga otoridad.
Bandang alas 2:00 ngayong hapon kung saan nagsagawa ng operasyon ang Davao City Police Office (IDMB-DCPO) sa pangunguna ni Davao City Police Office director S/Supt. Ronald dela Rosa sa may Bolton Isla, lungsod ng Davao, kung saan aktong nakita nito ang nasabing pulis na may hawak na iligal na droga habang nasa loob ng isang boarding house kung saan nagsusugal din ang nasabing pulis.
Nang tinangka nang arestuhin, nanlaban umano ang suspek na nakilalang si SPO4 Allan Balingit, may asawa, residente ng Buhangin, lungsod ng Davao, dating sakop ng SWAT kung saan nagpositibo sa isinagawang random drug test.
Napag-alaman na mag-iisang buwan pa lamang nadestino sa Davao Oriental ang nasabing pulis.
Dalawang tama ng baril ang natamo ni Balingit.
Sinasabing naging AWOL na si Balingit sa loob ng isang buwan dahil naging positibo ito sa iligal na droga at kanina dinalaw umano ang kanyang live-in partner.
Nakuha sa posisyon ng suspek ang belt bag na may lamang walong sachet ng iligal na droga, limang lighter, foil, XRM motorcycle at 380 caliber pistol.
Maliban sa baril na dala ng suspek may bitbit rin itong hand grenade at mabuti na lamang hindi ito sumabog.