Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 28 May 2013
Source: Bombo Radyo
CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang isang police officer matapos sinadya nitong magpasagasa sa national highway sa bayan ng Opol, Misamis Oriental.
Nangyari ito matapos mahuli si PO1 Wilven Catalan ng Regional Public Safety Battalion (RPSP-10) dahil sa umano’y pagholdap sa isang lending firm na pagmamay-ari ng dating police officer ng PNP Regional Command-10.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cagayan de Oro kay S/Insp. Elmer Robas, hepe ng Cugman Police Station, lumalabas na batay sa kanilang imbestigasyon, si Catalan umano ang nagplano ng lahat upang maisakatuparan ang pagholdap kung saan natangay ang P150,000 cash money.
Sinabi ni Robas na nagsilbi ring look-out si Catalan nang maganap ang krimen.
Ani Robas, pinuntahan nila ang mga kasama ni Catalan subalit nang sila ay nasa lugar na ay biglang itinulak nito ang mga security escort at biglang sinalubong ang isang paparating na pick-up truck na naging dahilan para siya ay masagasaan na kanyang ikinamatay.
Paliwanag ni Robas, sangkot din si Catalan sa isang robbery hold-up sa isang gasoline station sa siyudad.
Sa ngayon patuloy pang inaalam ni Robas ang kinaroroonan ng ibang kasamahan ni Catalan na umano’y mga pulis din sa Hilagang Mindanao.
Mismong ang driver ng pick-up truck na may plate No. OBO-396 na pagmamay-ari ni Reggie Montallana na taga-Zamboanga City ang makakapagpatunay na sinadya ni Catalan na magpasagasa na naging dahilan ng kanyang kamatayan