Pulis na nabaril ng guwardya matapos mapagkamalang magnanakaw, magsasampa ng kaso

Injured Killed
1 0

Date: 30 November 2013
Source: Bombo Radyo

DAGUPAN CITY – Desidido ang kampo ng pulis na sampahan ng kaukulang kaso ang isang security guard na nakabaril sa kanya matapos napagkamalang magnanakaw sa bayan ng Mangatarem.

Ayon kay PO3 Richard Castillo, imbestigador ng PNP Mangatarem, inihahanda na ang kaso laban sa suspek na si Mario Saura, 34-anyos, isang security guard ng isang bangko at residente ng Brgy. Pacalat, sa nasabing bayan.

Giit ni Castillo na nakaduty ang biktimang pulis na si PO2 Roland Allan Ragudo, 36-anyos, residente ng Mayantoc, Tarlac at Miyembro ng Mangatarem Police Station ng mangyari ang insidente. Nakasuot din aniya ito ng kumpletong uniporme at walang dahilan upang hindi ito makita ng suspek.

Una rito, rumespunde ang biktimang pulis sa isang insidente ng nakawan na kinasasangkutan ng isang menor de edad kung saan umabot ang habulan sa bubong ng bangko kung saan nagtatrabaho ang security guard na suspek at doon na nabaril ang biktima.

Inamin ng guwardya na nadaan siya sa sul-sol ng mga bystander kayat ang pulis ang napagkamalan nitong magnanakaw at nabaril.