Injured | Killed |
---|---|
0 | 2 |
Date: 26 May 2013
Source: Bombo Radyo
Patay ang dalawang pinaniniwalaang miyembro ng motorcyle riding-in-tandem suspects nang makasagupa nito ang mga miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) kaninang umaga.
Ayon sa report ng NCRPO, nagsasagawa ng follow-up operations ang mga pulis laban sa mga armadong kalalakihan na responsable sa pagnanakaw ng isang single motorcyle sa may Barangay Santol at panghoholdap sa isang babae.
Ngunit natiyempuhan ng mga pulis ang pitong mga armadong kalalakihan na nakikipagsagupaan sa mga pulis na naging resulta sa pagkamatay ng dalawang suspek.
Sa ngayon, hindi pa mabatid ng QCPD ang pagkakakilanlan ng dalawang nasawi.
Nagpapatuloy ang isinasagawang follow-up operations ng pulisya laban sa lima pang suspek.