Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 30 January 2013
Source: Bombo Radyo
ROXAS CITY – Kinumpirma ng hepe ng Pontevedra police station ang inihain na reklamo laban sa isang kasapi ng pulisya na itinuturong bumaril sa isang driver ng truck sa bayan ng Pontevedra.
Inihayag ni S/Insp. Elton Arcangeles na nagpa-blotter ang isang negosyante na kinilalang si Abel Ayque, 54, ng Barangay Dumolog, Roxas City, upang ireklamo si PO2 Rommel Dangan ng nasabing istasyon ng pulisya, na bumaril sa kanyang driver.
Ayon kay Arcangeles, nasentro ang reklamo laban kay Dangan sa umano’y pagharang nito sa 10-wheeler wing-van truck na pag-aari ni Ayque at minamaneho ni Rec Leseña kasama ang tatlo pang mga pahinante na sina John Alayon, Junjun Aguilar, at Charlie Besa haba nasa Crossing Bailan, sa nasabing bayan.
Base sa reklamo ni Ayque, si Dangan ang bumaril sa driver na si Leseña na ikinasugat nga kanang kamay nito at isinugod sa ospital sa pagpapagamot.
Sinabi pa ni Arcangeles na isinailalim na sa paraffin test ang nasabing pulis at hinihintay na lamang ang resulta nito.