Injured | Killed |
---|---|
1 | 0 |
Date: 09 February 2013
Source: Bombo Radyo
NAGA CITY – Bugbog-sarado ang inabot ng isang pulis sa Naga City matapos pagtulungan ng mga lalaking nag-iinuman na tinutukan nito ng baril. Pasa at sugat ang tinamo ni PO2 Judith Aguilar ng Pagdaycon Mabolo sa nasabing lungsod at kasalukuyang nakadestino sa Milaor PNP nang pagtulungang bugbugin ng apat na kalalakihan. Batay sa impormasyon, bigla na lamang pumasok sa pintuan si Aguilar nang walang anu-ano ay itinutok ang dalang baril sa mga nag-iinumang sina Mark Anthony Torillo, Erodan Marquez, Rodel Claro at Sandy Justiniano. Sa pagkainis sa ginawang pananakot, binugbog ng apat ang lasing ang suspek hanggang sa manghina at mabitawan ang baril. Sinubukan namang awatin ni Ernesto Ramos Francisco ang lima subalit maging siya ay naipit sa suntukan. Agad namang dinala sa ospital ang duguang pulis na ngayon ay nagpapagaling na. Tiniyak ng PNP na papanagutin ang mga suspek lalo pa’t lumabag ito sa Omnibus Election Code.