Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 31 August 2013
Source: Bombo Radyo
NAGA CITY – Dead on the spot ang isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) matapos barilin kaninang umaga sa Monreal, Masbate.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga ang biktima ay kinilalang si PO1 Anthony Almougera Lique.
Nangyari ang insidente alas-7:30 kanina sa Saqueton St., Barangay Poblacion sa nasabing bayan.
Binaril ang biktima ng hindi nakilalang suspek.
Sa ngayon iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang insidente para malaman ang motibo at matukoy ang suspek