Injured | Killed |
---|---|
1 | 0 |
Date: 03 October 2013
Source: Bombo Radyo
DAVAO CITY – Isang UP Diliman professor na nakilala sa pangalang Kim Gargar ang sugatan na iniwanan na lamang ng kanyang mga kasamahan matapos ang sagupaan sa pagitan ng mga rebeldeng NPA at tropa ng pamahalaan sa Barangay Aliwagwag, Cateel, Davao Oriental noong Oktubre 1.
Narekober sa kanya ang isang M16 rifle, landmines at mga subersibong dokumento.
Una nang nasawi sa sagupaan ang NPA commander na si alias Ryan.
Si Gargar naman ay nahuli ng mga sundalo ng pamahalaan nang isagawa ang paghabol sa papatakas ng mga rebelde matapos ang halos 30 minutong sagupaan dakong alas-2:30 ng madaling araw sa Aliwagwag.
Ayon kay 67th Infantry Battalion commanding officer Lt. Col. Krishnamurti A. Mortela, si Gargar ay natagpuan na walang malay na hawak-hawak pa ang rifle na mga 200 metro ang layo mula sa encounter site.
“First aid was given to him by the troops of 67th Infantry Battalion before he was brought to Davao Oriental provincial hospital,” ani ni Mortela.
Sa paunang mga report ay nagpapahayag na siya ay isang physics professor ng UP Diliman mula 2000 hanggang 2003; nagturo rin umano ito sa Don Mariano University ng Cagayan de Oro City mula 2003 hanggang 2005; PUP Sta. Mesa mula 2006 hanggang 2007; Mapua University taong 2007 hanggang 2008 at isa ring doctorate scholar ng chronological Biology ng University of Groningen, Netherlands.
Ayon sa kanya tinulungan niya si CPP-NPA founder Joma Sison sa produksyon ng maraming libro na naglalayong i-exploit ang pamayanan.
Sumali siya sa kilusan ng NPA sa Compostela Valley Province noong 2012 samantalang ang kanyang maybahay ay nagtatrabaho bilang writer ng online na Bulatlat.
Sinasabing nagtaka pa raw si Gargar nang makitang inaalagaan siya ng mga sundalo ng pamahalaan.
Nadalaw na rin siya ng grupong Karapatan.
Inamin ni 701st Infantry Brigade commander Col. Benjamin Madrigal kung bakit ang isang biology professor ay nakikisama sa mga NPA na siyang nasa likod din ng mga bomba o IED na umano’y ginagamitan ng kontaminadong mga shrapnels.
Si EASTMINCOM commander Lt. Gen. Ricardo Rainier Cruz III, ay nagsabing magpapatuloy ang lahat ng mga military units ang security operations sa lugar na kanilang nasasakupan upang mapangalagaan ang seguridad ng mga mamamayan.
“Gargar is an example of how soldiers value and respect human rights,” ayon pa kay Gen. Cruz.