Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 19 July 2010
Source: Philstar online article
Presidente ng Homeowners patay sa land dispute
Ni Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) Updated July 19, 2010 12:00 AM
MANILA, Philippines – Pinagbabaril at napatay ng dalawang hindi pa nakilalang armadong kalalakihan ang Presidente ng Homeowners Association dahilan sa agawan sa kapirasong lupa sa Caloocan City kahapon ng umaga.
Agad na nasawi sa tinamong tama ng bala sa ulo at balikat ang biktimang nakilalang si Santiago Asoc, 49-anyos, residente ng Brgy. 182. Pangarap Village, ng naturang lungsod.
Nakatakas naman ang dalawang hindi nakilalang mga gunmen maging ang hinihinalang utak ng krimen na nakilala pa lamang sa alyas na Jun Solis.
Sa ulat ng Caloocan Police, naganap ang krimen dakong alas-11 ng umaga sa may Mt. Heights. Pangarap Village, ng naturang lungsod. Nabatid na sinu-survey ni Asoc ang nabili nitong lupa sa naturang lugar nang lapitan ng dalawang armadong salarin at agad itong sunud-sunod na paputukan bago mabilis na tumakas.
Sa imbestigasyon, malapit na umanong mailipat sa pangalan ni Asoc ang naturang piraso ng lupa na inaangkin rin umano ng isa sa mga residente ng naturang lugar. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa kasong ito.