Pinugutan dahil sa P50

Injured Killed
0 1

Date: 05 October 2013
Source: Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 20-anyos na binata matapos itong pugutan ng kapitbahay na mister dahil sa akusayong nagnakaw ng P50 sa Barangay Overland, bayan ng Malangas, Zamboanga Sibugay kamaka­lawa ng gabi.

Kinilala ang biktima sa palayaw lamang nitong Gaga Dangay ng Alicia, Zamboanga Sibugay  na agarang namatay matapos pagtatagain at pugutan.

Nahaharap naman sa kasong kriminal ang suspek na si Johnny Palinta, 35, magsasaka at kapitbahay ng mag-asawang Palinta.

Sa imbestigasyon, sinabi ni P/Chief Inspector Ariel Huesca, spokesman ng police regional office 9, dakong alas-7 ng gabi ng isagawa ang krimen sa Sitio Gondong sa nasabing barangay.

Base sa ulat na nakara­ting sa Camp Crame, bago ang insidente ay isinumbong ng misis ng suspek ang biktima habang naghahapunan ang mag-asawa kaugnay sa pagnanakaw ng P50 matapos itong magtungo sa kanilang tahanan.

Nairita ang naghapunang suspek habang nagbubu­nganga sa galit ang kanyang misis laban sa biktima kung saan ay agad hinagilap ng suspek ang matalim na itak.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Agad na tinungo ng suspek ang tahanan ng biktima at kaagad na pinagtataga ito kung saan hindi pa nakuntento ay pinugutan pa.

Nasakote naman ng mga operatiba ng pulisya ang suspek na ngayo’y nahaharap sa kasong kriminal.