Pintor pinagbabaril sa qc

Injured Killed
0 1

Date: 07 February 2013
Source: Remate.ph by Santi CelarioFeb 7, 2013 3:15pm HKT

Dead on the spot ang biktima na si Rioljed Culala, 32-anyos, pintor sa construction at taga-No.332 Bayanihan  St., Brgy. Commonwealth, bunga ng tinamong tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan mula sa kalibre .45 pistola.

Batay sa inisyal na ulat ni PO2 Jogene Hernandez ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD, nangyari ang insidente bandang alas-2:00 kaninang madaling araw, 30 metro ang layo sa isang lamayan sa Abriz Ninadas St. Brgy, Commonwealth.

Ayon sa isang Jake Penaloza, nasa lamayan, namataan niya na may pumaradang dalawang motorsiklo sa hindi kalayuan.

Hindi nagtagal ay nakarinig na lamang sila ng sunod-sunod na putok ng baril bago nakitang patay ang biktima habang mabilis na nagsitakas ang apat na suspek sakay ng dalawang motorsiklo na hindi naplakahan.

Nakuha sa lugar ng krimen ang pitong basyo ng bala ng kalibre .45 baril.

Sa pahayag ni Aling Yolanda, ina ng biktima, may tatlong taon ng residente sa Parañaque City ang anak at dumalaw lamang sa kanilang bahay sa Bayanihan St., sa Commonwealth.

Aminado si Aling Yolanda na minsan nang nakulong ang kanyang anak (biktima) dahil sa kasong paglabag sa PD 1866 o Illegal possession of firearms dalawang taon na ang nakalilipas.

Ayon sa mga imbestigador, nakaposas ng ordinaryong posas paharap ang mga kamay ng biktima na ibang klase sa ginagamit ng PNP.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek na lulan ng dalawang hindi naplakahang motorsiklo.