Pinalayang pari na bihag ng MNLF, nanguna sa ‘Mass for Peace’

Injured Killed
1 0

Date: 30 September 2013
Source: Bombo Radyo

ZAMBOANGA CITY – Mistulang hindi pa rin humuhupa ang tensiyon sa lungsod ng Zamboanga sa ika-13 araw ng Zamboanga siege sa pagitan ng mga tropa ng gobyerno at mga miyembro ng MNLF-Misuari faction.
 
Kaugnay nito, maliban sa putukan ay may mga sunog pa ring naitatala sa may Barangay Sta. Catalina.
 
Nitong hapon muling umalingawngaw ang palitan ng putukan.
 
Kaagad naman na pinulong ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang mga matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) hinggil sa nagpapatuloy na krisis sa syudad.
 
Batay sa impormasyong nakuha ng Bombo Radyo, gustong matiyak ng pangulo na ligtas sa kapahamakan ang mga natitirang bihag ng mga MNLF-Misuari faction. 
 
Nabatid na tatlong beses na nagpatawag ng pulong ang Pangulong Aquino sa mga opsiayal ng militar at pulisya. 
 
Ayon naman sa AFP, sa ngayon ang tropa ng pamahalaan at mga rebeldeng MNLF Misuari group ay nasa close quarter battle o malapitang labanan.
 
Samantala, isang mass for peace ang isinagawa sa lungsod na pinangunahan ni Father Michael Ufana na una nang binihag ng MNLF-Misuari faction.