Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 04 December 2013
Source: Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines – Isang photographer sa Rizal Park ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa nakilalang suspect kamakalawa ng gabi sa Baseco Compound, Port Area, Maynila.
Naganap ang pamamaril sa biktimang si Alberto Dizon, 50, dakong alas-7:30 ng gabi sa kahabaan ng Block 1 Gasangan Baseco Port Area.
Sa salaysay ng testigong si Nelle Garces, nakarinig umano siya ng sunud-sunod na putok ng baril at nang matapos ang alingawngaw ay nakita ang biktima na nakahandusay at duguan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, ang biktima ay nagtamo ng mga tama ng bala sa itaas na bahagi ng katawan, sa ilalim ng baba at sa kanang braso.
Nakarekober naman ang MPD Scene of the Crime Operations ang apat na basyo ng bala mula sa kalibre .45 baril na ginamit sa krimen.