Pera ng amo tinangay ng kasambahay

Injured Killed
0 0

Date: 26 February 2013
Source: Remate.ph

SWAK sa kulungan ang isang kasambahay nang tangayin ang pera ng amo sa Caloocan City, Linggo ng umaga.

Nahaharap sa kasong qualified theft si Donna Mae Hopida, 25-anyos, tubong Bacolod at naninilbihan kay Catherine Niala, negosyante ng M. H. Del Pilar, ng lungsod.

Sa pahayag ng biktima, dakong alas-11:00 ng umaga nang madiskubre niyang nawawala ang itinabing P100,000 at kasabay nang biglang paglaho ng suspek na naging dahilan upang sabihin sa mga pulis.

Dakong alas-3:00 ng hapon, naispatan ang suspek sa Victory Mall na naging dahilan upang ipadakip sa mga pulis.

Nabawi sa suspek ang P94,000 na bahagi ng natangay na pera.