Pera at gamit, natangay ng magnanakaw sa AirPhil office

Injured Killed
0 0

Date: 28 January 2013
Source: Bombo radyo, Last Updated on Monday, 28 January 2013 16:05 Monday, 28 January 2013 15:45

ZAMBOANGA CITY – P60,000 halaga ng pera at mga kagamitan ang natangay ng mga magnanakaw sa tanggapan ng Air Phil. Express na nasa loob ng Zamboanga International Airport.

Base sa inisyal na ulat ng pulisya, tinatayang pinasok ng mga magnanakaw ang naturang tanggapan sa pagitan ng ala-1:00 at alas-4:00 ng madaling araw kanina.

Pasado alas-4:00 na ng umaga nang madiskubre ng security guard na naka-duty sa lugar na puwersahang winasak ang likurang bintana ng tanggapan at dito na rin dumaan ang mga salarin.

Kabilang sa mga nakuha ng mga magnanakaw ang isang laptop, cellphone at pera na umabot sa kabuuang halaga ng P63, 490.

Sa pagpapatuloy ng isinasagawang imbestigasyon ng mga kasapi ng 9th PNP Crime Laboratory, napag-alaman na mayroon na silang nakuhang pagkakakilanlan sa ilan sa mga suspek.

Kasama rin sa mga iniimbestigahan ay ang mismong security guard na naka-duty sa lugar nang mangyari ang nakawan. (MRDS)