Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 09 May 2013
Source: Bombo Radyo
LA UNION – Isang Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) agent ang hindi pinaligtas ng mga carnappers sa San Fernando City, La Union.
Nakilala ito na si Paul Pestelos, 34, may asawa, at naka-assign sa DEA Region-1 na nakabase sa Barangay Carlatan sa siyudad.
Batay sa report, bandang alas-5:00 ng hapon ay ipinarada ni Pestelos ang kanyang dilaw na XRM 125, may plate #ZL-6448, malapit sa isang store sa Barangay Lingsat ng nasabing siyudad.
Nang balikan nito bandang alas-6:00 ng umaga ay nawawala na ang kanyang sasakyan.
Agad namang nakipag-ugnayan ang San Fernando City Police Station sa iba’t ibang himpilan ng pulisya sa lalawigan ngunit hanggang ngayon ay hindi pa narerekober ang naturang motorsiklo.