Paslit tigbak sa suntok ng tatay

Injured Killed
0 1

Date: 02 March 2013
Source: http://www.remate.ph/2013/03/paslit-tigbak-sa-suntok-ng-tatay/

 

IMBES tumama sa kinakasamang babae, sa isang-buwang anak dumapo ang pinakawalanang suntok ng isang mister sa Capiz, Biyernes ng gabi (Marso 1).

Sa daan pa lamang ay binawian na agad ng buhay ang biktima na itinago sa pangalang Baby Coco sanhi ng malakas na suntok na tumama sa kanang pisngi at tainga nito.

Hinahanting na ngayon ng Maayon PNP, para panagutin sa krimen ang sariling tatay ng biktima na si Jerry Osorio, 32-anyos ng Barangay Old Guia, Maayon, Capiz.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa loob mismo ng babay ng magka-live-in partner sa Barangay Old Guia, Maayon.

Ayon sa nanay ng biktima na si Joyce, bago ito ay nag-away silang mag-asawa at sa galit ay sinakal at sinuntok siya nito kahit karga niya ang kanilang anak.

Nalagas ang dalawang ngipin ni Joy dahil sa lakas ng suntok ng suspek habang ang ilan ay tumama sa mukha ni Baby Coco.

Sa lakas ng suntok at marahil dahil sa kamusmusan din ay hindi kinaya ng biktima ang mala-Nonito Donaire na suntok kaya namatay ito.

Ibinunyag din ni Joyce na madalas din itong saktan ng suspek sa tuwing ito ay malalasing.