Pang-apat na pagsabog ng bomba naitala sa NCotabato

Injured Killed
0 0

Date: 20 May 2013
Source: Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ang mga taga-suporta ng isang natalong kandidato sa bayan ng Kabacan sa North Cotabato na nasa likod umano ng pagpapasabog sa isang tindahan gamit ang 40 MM shoulder-fire grenade.

Ayon kay Supt. Leo Ajero, hepe ng Kabacan municipal police, nanggaling mula sa isang madilim na lugar ang bomba na sumabog sa harap ng isang agricultural supply outlet.

Ito na ang pang-apat na pagsabog sa lugar mula nang magsimula ang panahon ng kampanya.

Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa pagsabog ngunit nagdulot ito ng kaguluhan sa lugar.

Dagdag ni Ajero na kumbinsido ang mga imbestigador na taga-suporta ng natalong kandidato ang nasa likod ng pag-atake.

Nangyari ang insidente wala pang isang linggo nang masawi ang isang pitong-buwang sanggol at ina nito sa pagsabog sa isang kabahayan sa Kabacan.