Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 05 July 2013
Source: Bombo Radyo
BUTUAN CITY – Nasa kostudiya pa rin ng kanyang mga abductors mula sa New People’s Army (NPA) ang dinukot na si Konsehal Edgar Bantuasan ng Brgy. Sta. Teresa, sa bayan ng Loreto, Agusan del Sur.
Kinumpirma ito ni P/Insp. Chris Artemius Dimaras, hepe ng Loreto Municipal Police Station sabay paglilinaw na nagpaabot na ng mensahe ang mga rebelde sa asawa ng biktima na si Editha at ipinaalam na buhay pa ito at nasa mabuting kalagayan ngunit wala pang ipinaabot na demand kapalit sa ligtas na pagpapalaya nito.
Sa ngayon ipinaubaya muna ng Local Crisis Management Committee sa grupo ng mga tribal leaders ang pakikipagnegosasyon sa mga rebelde para sa pagpapalaya sa konsehal.
Regular monitoring lang muna ang ginagawa ng komite.
Hinihinalang nagpalipat-lipat lang ng lokasyon ang mga rebelde bitbit ang kanilang bihag sa bulubundukin ng mga bayan ng Veruela at Loreto, na sakop ng Agusan del Sur.