Palasyo, kinondena ang pamumugot ng BIFF sa magsasaka

Injured Killed
0 1

Date: 30 September 2013
Source: Bombo Radyo

Itinuturing ng MalacaƱang na malupit at hindi makatao ang ginawang pagpugot sa ulo sa isang sibilyang binihag ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Midsayap, North Cotabato.

 

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, marapat na maipataw ang pinakamatinding parusa ng batas laban sa mga gumawa ng karumal-dumal na krimen lalo pa at inosenteng sibilyan ito.

 

Sa kabila nito, tumanggi naman si Valte na tawaging terorista ang BIFF katulad ng bandidong Abu Sayyaf group na kilalang namumugot ng ulo.

 

Ayon kay Valte, hindi rin naman kasi batayan ang pagkakahalintulad ng gawain o aksyon ng magkaibang grupo para ituring silang parehong terorista.

 

Ipinauubaya na lamang ng MalacaƱang sa security forces ang pagsasagawa ng ebalwasyon kung maari nga bang ituring na terorista ang BIFF o hindi.