Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 29 September 2013
Source: Bombo Radyo
Dinagdagan na ang security personnel ni Commission on Audit (CoA) chairman Grace Pulido-Tan kasunod ng pamamaril ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa tanggapan ng CoA sa Commonwealth, Quezon City.
Sinabi ni Communications Sec. Ricky Carandang, ito ay upang masiguro ang seguridad ni Pulido-Tan habang ongoing pa ang imbestigasyon ng PNP.
Sinabi naman ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hinihintay pa nila ang resulta ng imbestigasyon kung kaya’t hindi dapat pangunahan kung ano ang motibo ng pamamaril.
Binanggit naman ng kalihim na hindi magpapasindak at hindi maaapektuhan ang trabaho ng CoA dahil sa insidente.