Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 21 April 2013
Source: http://www.abante-tonite.com/issue/apr2113/crime_story06.htm
Natagpuang patay ng mga elemento ng Manila Police District-Police Station-9 ang isang palaboy habang nagsasagawa ng ‘clearing operation’ malapit sa isang creek sa Malate, Maynila kahapon.
Inilarawan ni SPO2 Glenzor Vallejo, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section ang biktima na nasa edad 55-60, may taas 5’2-5’4,nakasuot ng kulay dilaw na t-shirt at kulay violet na short.
Nabatid na alas-5:46 ng umaga nang magsagawa ng clearing operation ang mga tauhan ng MPD-PS 9 sa pangunguna ni P/Chief Inspector Efren Medina sa kahabaan ng Mabini, Malate, Maynila.
Nakita umano ang biktima na nakahiga malapit sa creek at nilapitan pero nang gisingin ay napansin ng mga pulis na hindi na ito kumikilos at wala nang buhay.
May nakita ring tattoo na “Warriors” sa kanang hita ng biktima.
Wala namang nakitang anumang sugat sa katawan ng biktima, palatandaan na walang foul play sa pagkamatay nito.