Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 04 June 2010
Source: http://www.abante.com.ph/issue/june0510/crimes01.htm
P…ina ka!, papalag ka pa?!”
Ito umano ang nanggagalaiting sambit ng isa sa limang magnanakaw bago kalabitin ang gatilyo at putukan ang isang security guard nang tangkaing manlaban at makipagbuno sa mga suspek sa Caloocan City kahapon.
Dead on the spot sanhi ng tinamong bala sa ulo ang biktimang si Rolando Mesa, 32, guwardiya ng Hondamar Trading sa 10th Ave., Caloocan City.
Sa ulat ng Station Investigation Division and Detective Management Branch ng Caloocan-PNP, ala-una ng madaling araw nang maganap ang insidente sa binabantayang establisyimento ng biktima.
Sa salaysay ng isa pang sekyu na si Pancho Comedia, 33, naka-duty umano sila ni Mesa nang biglang sumulpot ang mga suspek sakay ng maroon na Mitsubishi Adventure na hindi na nakuha ang plaka.
Nagbabaan ang mga lulan dito at tinutukan si Comedia bago kinuha ang kanyang shotgun kung saan tinangka ng nasawi na lumaban kaya pinutukan. Isinakay naman ng mga suspek si Comedia sa Adventure at ibinaba sa Meycauayan, Bulacan.