Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 29 October 2013
Source: Bombo Radyo
ZAMBOANGA CITY – Kagagawan ng mga natalong kandidato ang nangyaring pagsabog sa isang lugar sa Pagadian City kagabi.
Ito ang lumabas sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya ng Pagadian City police station sa pamumuno ni Supt. Glenn Macario Dulawan.
Ayon kay Dulawan, nangyari ang pagsabog pasado alas-7:00 kagabi habang isinasagawa ang canvassing ng mga balota sa may polling center ng White Beach Elementary School sa Barangay White Beach ng naturang lungsod.
Nabatid na dinamita ang ginamit sa pagpapasabog na nasa 50 metro ang layo mula sa nasabing polling center.
Walang napaulat na nasugtan sa nasabing pagsabog pero ilang oras ding naantala ang papatapos na sanang canvassing.
Iniimbestigahan pa rin ang nasabing pangyayari para matukoy ang pagkakilanlan ng suspek sa nangyaring pagsabog. (MRDS)