Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 06 May 2013
Source: Bombo Radyo
NAGA CITY – Duda ngayon ang PNP sa Nabua, Camarines Sur kung may ilan kasamahan pa at pagnanakaw ang motibo ng nahuling suspek na naghuhukay ng mga bagong libing na patay sa sementeryo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PO2 Glenn Loquias, sinabi nitong hindi nila malaman kung totoo ang sinasabi ni Anrulfo Macasaya na may kasamahan siyang tumakas.
Hindi rin umano malinaw na pagnanakaw ang motibo nito dahil wala namang nawala sa gamit ng patay na kanyang nabiktima.
Una nang sinabi noon ni Macasaya na may kasama siya sa pagbutas ng libingan ng 78 anyos na lola sa Santiago Young Public Cemetery kung saan kinukuha diumano nila ang alahas nito.
Ayon kay Loquias, tila wala sa tamang pag-iisip ang suspek dahil hindi ito sumasagot.
Sa ngayon, nai-turn over na si Macasaya sa BJMP dahil nasampahan na ito ng kasong malicious mischief habang hinihintay pa ang resulta ng eksaminasyon sa nabiktima nitong katawan ng lola.