Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 14 April 2013
Source: Bombo Radyo
GENERAL SANTOS CITY – Inaalam pa ng mga otoridad ang kabuuang halaga na natangay mula sa isang sangay ng LBC sa Miranda St., Brgy. Poblacion, South Cotabato matapos hinoldap ng mga nakamotorsiklo.
Sinabi sa Bombo Radyo Gensan ni C/Insp Jodelito Guisingga, hepe ng Polomolok-PNP, dalawang kalalakihan ang bigla na lang pumasok sa naturang establisyemento at nagdeklara ng hold-up.
Walang nagawa ang teller matapos tinutukan ng baril ng mga salarin na pawang nakasuot ng jacket, naka-short at naka-helmet.
Nabatid na walang guwardiya ang lugar nang mangyari ang insidente.
Bukod sa pera na koleksyon kaninang umaga ay natangay din ang mga mahahalagang gamit ng mga customers.
Nagpapatuloy ang imbestiagasyon ng pulisya habang nakatakdang susuriin ang CCTV camera ng nasabing establisiemento upang matukoy ang mga suspek.