Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 05 March 2013
Source: Bombo Radyo
NAGA CITY – Blangko pa rin ngayon ang mga otoridad sa motibo sa pagpaslang sa isang padre de pamilya sa Sariaya, Quezon.
Ito’y matapos barilin-patay ng dalawang armadong kalalakihan ang biktimang si Bernardo Fajarda, 44.
Una rito, pauwi na sana umano ang biktima at akmang aangkas na sa kaniyang motorsiko nang biglang paputukan ng mga salarin.
Agad namang nakatakbo para magtago si Fajarda at makalipas ang ilang minuto ay muling lumabas sa pag-aakalang umalis na ang mga suspek na lingid sa kaniyang kaalaman ay nagtago lamang pala para abangan siya.
Bagamat nakatakbo pa sa palayan sa tabi ng kalsada ay nasundan pa rin ng bala ng baril ng mga suspek ang biktima.
Apat na tama ng bala ng kalibre .45 baril sa iba’t ibang bhagi ng kaniyang katawan ang tinamo ng biktima na naging dahilan ng kagyat niyang kamatayan.
Namukhaan naman ng anak ni Fajarda na si Marson na siyang nakasaksi sa pangyayari ang isa sa dalawang mga salarin na umano’y isang Jeremy Laracas at dati ring kasa-kasama ng kaniyang ama.
Kaugnay nito, agad na inihanda ng PNP-Sariaya ang kasong murder laban sa salarin na hanggang ngayon ay tinutugis pa ng mga otoridad.