Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 06 March 2013
Source: Bombo Radyo
(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Naghayag na ngayon ng umano’y ransom demand ang nagpakilalang abductors ng brother-in-law ni Jachob ”Coco” Rasuman na si Henry Khalid Tomawis sa bayan ng Balo-i, Lanao del Norte.
Sa isang panayam, inihayag Lt. Col. Danilo Ibon na siyang commanding officer ng 4th Infantry Battalion, Philippine Army na humingi umano ang abductors sa pamilya ni Tomawis ng P300 million ransom money kapalit sa paglaya ng biktima.
Si Tomawis ay anak din ni Sultan Yahya ”Jerry” Tomawis na dati ring nahaharap sa kasong syndicated estafa sa korte kaugnay sa pyramiding scam na pinamunuan ni Rasuman.
Sa ngayon, narekober na ng mga otoridad ang sinasakyang sports utility vehicle (SUV) ni Tomawis na iniwanan ng mga suspek sa Brgy. Pakalundo sa bayan pa rin ng Balo-i.
Samantala,tumanggi naman ang National Bureau of Investigation (NBI) Iligan City District Office hinggil sa nasabing ransom demand issue.
Ayon kay NBI Iligan City District Office chief Atty. Alex Caburnay na wala silang direktang impormasyon hinggil sa napaulat na halaga ng pera.
Ang natanggap lamang nila na impormasyon ay gusto ng abductors na pagbabayarin ang lahat na mga residente sa bayan ng Balo-i sa nawawala nitong multi-billion investment capital na nilustay sa grupo ni Rasuman.
Ayon kay Caburnay na patuloy pa nilang hinihintay ang resulta sa ginawa nilang imbistigasyon lalo pa’t hinihintay pa ito ang muling paglutang ng ilang investors na suspek na ngayon sa pagkadukot ni Tomawis.
Magugunitang si Tomawis ay papunta sanang Iligan City noong Pebrero 2 mula Balo-i town ng bigla itong hinarang ng tinatayang 20 armadong kalalakihan at sapilitang dinala sa magubat na lugar.
Aminado din si Caburnay na ang pagkadukot kay Tomawis nagsisilbing manager ng Tomawis Group of Companies na nakabase sa Marawi City ay epekto sa kabiguan ni Rasuman na tutuparin ang pangako nito na magbayad sa multi-billion peso investment capital sa kanilang investors noong nakaraang Pebrero 28 nitong taon sa lalawigan ng Lanao del Sur.