P.2-M natangay ng ’2 parak’ sa Korean national

Injured Killed
0 0

Date: 26 February 2013
Source: Remate.ph feb 26, 2013

P.2-M natangay ng ’2 parak’ sa Korean national

MAHIGIT P.2 milyon halaga ng cash at kagamitan ang natangay ng dalawang nagpanggap na mga pulis mula sa isang Korean national makaraang harangin ng mga suspek ang kanilang sinasakyang taxi noong Sabado ng madaling-araw sa Pasay City.

Galing sa Resort World Hotel sa Villamor ang biktimang si Lee Kyung Tae, 38 kasama ang kasintahang si Cecille Santos, 21 nang sumakay sa taksing minamaneho ni Brian Leonardo, 23, dakong alas-2:45 ng madaling-araw upang magpahatid sa Manila Hotel.

Hindi pa nakakalayo ang taksi nang harangin ng dalawang lalaking sakay ng isang kotseng walang plaka sa Andrew St. at pilit na hinihingi ang lisensiya ni Leonardo.

Ayon kay Pasay Police Investigation Division head Chief Insp. Joey Goforth, nakasuot ng itim na jacket at bull cap ng PNP ang sumita sa driver kaya’t inakala nilang pulis ang mga suspek.

Gayunman, nang inaalam ni Leonardo kung ano ang nagawa niyang paglabag sa trapiko, bumaba pa ang isang suspek sa kotse at tinutukan na ng baril ang magkasintahan, sabay hablot sa bag ng turista na naglalaman ng plane ticket, cellphone na nagkakahalaga ng P30,000, $4,000 US dollar at PP40,000 cash.

Matapos makuha sa turista ang bag, mabilis na tumakas ang mga suspek patungong Roxas Boulevard.