Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 29 September 2013
Source: Bombo Radyo
CEBU CITY – Tinatayang aabot sa P1.2 milyon ang nakuha ng mga holdaper mula sa isang piggery sa Sitio Tubod, Barangay Valladolid, Carcar City, Cebu.
Ito’y matapos maholdap ang messenger na si Marvin Cababan, 36, na taga-Barangay Guadalupe, Carcar City ng dalawang lalaki na hanggang ngayon ay hindi pa nakikilala at nahuhuli.
Ayon kay Cababan, hinarang siya ng riding in tandem na mga lalaki na kapwa nakasuot ng helmet habang papunta siya sa isang bangko upang i-deposit ang nasabing halaga.
Sinabi pa nito na tinutukan siya ng .45 kalibreng pistola at saka kinuha ang kanyang dalang sling bag na pinaglagyan ng P1.2 milyon.
Matapos ang panghoholdap mabilis namang nakatakas ang mga suspek na ngayon ay pinaghahanap ng Provincial Intelligence Branch (PIB-Carcar) at Carcar City Police.