P110,000 naholdap sa negosyante

Injured Killed
0 0

Date: 06 July 2013
Source: Bombo Radyo

ILOILO CITY – Umaabot sa P110,000 ang natangay ng dalawang suspek sa hold-up sa negosyante sa Brgy. Bondulan, San Dionisio, Iloilo.
 
Sa panayam ng Bombo Radyo kay C/Insp. Danilo Delos Santos, hepe ng San Dionisio Municipal Police Station, sakay sa motorsiklo ang biktimang si Jocelyn Castigolan, 42, ng Sara, Iloilo at negosyante ng plasticware nang binangga ng mga suspek.
 
Nang matumba ang motorsiklo na sinasakyan ng biktima, tumilapon ang bag nito na naglalaman ng pera at ito ay tinangay ng mga suspek.